45 kiyaw, 1 kalaw nakumpiska

NAKUMPISKA ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Malampaya (TFM) na nakabase sa El Nido Palawan ang 45 kiyaw at isang kalaw na nakatakda sanang ipuslit palabas ng Palawan.

Ang nasabing buhay ilang ay nasabat kagabi September 11, sa tabing-ilog ng Barangay New Ibajay, El Nido, Palawan na dala ng mga pinaghihinalaang suspek na sina Nepthalie Oirada Sedeste, Alyas She at Alyas Joel. Si Sedeste lamang ang nahuli ng mga awtoridad dahilan nakatakas ang dalawa pa nitong kasama ng mamataan ang papalapit na mga awtoridad.

Ayon sa suspek, napag-utusan lamang umano siya ng nakilalang si Cora Miniano upang dalhin ang mga buhay ilang (wild life) sa tabing-ilog ng nasabing lugar kung saan doon na maghintay ang bangka na kanilang sasakyan.

Sa kasalukuyan lalo pang pinaigting ng iba’t-ibang sangay ng mga awtoridad at mamamayan ng bayan ng El Nido ang pagbabantay sa kanilang kalikasan at pag-proteksiyon sa mga buhay ilang sa lugar.

Muli namang nagpasalamat si El Nido Mayor Edna G. Lim sa pamunuan ng JTFM, El Nido CAFGU sa pamumuno ni S/Sg. Benjamin Espina PA at sa mga barangay tanod sa pagkakasagip ng mga buhay ilang sa kanyang nasasakupan. Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA. 9147 ang mga suspek. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply