45,000 Pinoy may AIDS sa 2015 – Miriam

LUBHA nang naalarma si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa ulat ni Health Assistance Secretary Enrique Tayag na magkakasakit ng Human Immuno Deficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) ang 45,000 mamamayan bago matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.

Dahil dito, inihain ni Santiago ang Senate Resolution No. 582  na naglalayong imbestigahan ang ulat na magkakaroon ng limang dobleng pagtaas mula sa 10,000 kaso ng sakit sa bansa wq 2015 upang makalikha ng kaukulang programa at patakaran sa pagsugpo ng pagkalat nito.

Ayon kay Santiago, kailangan nang kumilos ang pamahalaan sa pamamagitan ng Lehislatura upang muling silipin ang programa at patakaran na ipinatutupad ng Department of Health sa pagsugpo ng sakit dahil lubha nang nakakaalarma ang insidente ng pagtaas.

Iniulat ni Tayag ang insidente ng pagtaas noong nakaraang Agosto sa ginanap na 10th International Congress on AIDS in Asia and the Pacific sa pangunguna ng Asian Development Bank.

“The government programs that combat the spread of HIV/AIDS  have been in place for two decades, and yet the rise in the number of cases in the country could mean a confluence of inefficiencies both on the part of legislation and the health department, necessitating measures and renewed commitment to  curb these rising numbers,” ayon kay Santiago.

Sinabi ni Santiago na pinakamataas ang insidenteng iniulat ni Tayag simula nang tugaygayan ng pamahalaan ang sakit noong 1984.

“Data from a 2008 study reported that there were between 6,000 and 11,000 HIV/AIDS cases in the country, and that by March 2011, the total number of reported cases reached 6,498,483 of which were new cases,” paliwanag ni Santiago.

Natuklasan pa sa ulat na umaabot sa anim na kaso ang natutuklasan ng DOH kada araw kumpara sa isang insidente bawat araw noong 2009.

Sinabi pa ni Santiago na dapat maikumpra din ang naturang bilang sa napaulat na pagbagsak ng insidente ng HIV/AIDS cases ng 25% sa 33 bansa simula noong 2001 hanggang 2009 na iniulat sa 2010    United Nations’ AID Report on the Global AIDS Epidemic.

“Although reports show that different governments in the Asia and the Pacific region have made steady progress in mitigating its spread ever since the first case of HIV was reported 30 years ago, AIDS incidence increases of more than 25% were reported in seven countries, including the Philippines,” aniya.

Natuklasan ng DOH na mas maraming kalalakihan ang nagkakaroon ng HIV sa pakikipagtalik nito sa kapwa lalaki (MSM), at nitong Mayo 2011, umabot sa 83% ng bagong HIV case ang naganap sa MSM sector. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply