470 day care sa Maynila bibigyan ng pagkain, gatas

MAY 470 day care sa lungsod ng Maynila ang pagkakalooban ng masusustansiyang pagkain at gatas kung saan maraming batang mag-aaral ang makakatikim nito.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, sa donasyong 20 feeding modules na nagkakahalaga ng tig P60,000 ng produktong Knorr’s Makulay ang Buhay sa Batang Pinoy supplementary feeding program na mapapakinabangan ng mga daycare students na may edad 5 taon pababa.

May dagdag pang isang baso ng gatas na donasyon naman ng Mead Johnson.

Ikinatuwa naman ng alkalde ang patuloy na pagbibigay suporta ng dalawang kompanya sa layunin ng lokal na pamahalaan na masolusyunan ang malnutrition sa mga paslit.

“This is a big help, unang-una puro nutritious products ang ibinigay nila, nakakatulong sa kalusugan ng mga bata, at araw-araw mayroong nagluluto para pakainin ang mga bata, ang mamimili at magluluto ay ang mga ina na rin,” ayon kay Lim.

“Ang anak ng mayaman at anak ng mahihirap ay magkaparehas lang, dahil tayo ay may mga day care centers.  Nahuhubog agad ang ating mga anak dahil naipapasok natin agad sa day care ang mga bata,” wika Lim.
Saksi sa turnover ang Manila Department of Social Welfare Chief Mr. Jay Dela Fuente, Department of Social Welfare & Development (DSWD)-NCR Regional Director Ma. Alicia S. Bonoan, Councilor Josie Siscar, UNILEVER Vice President for Corporate Affairs Engr. Chito Macapagal, President Kabisig ng Kalahi Ms. Victoria Wieneke, Mead Johnson Corporate Social Director Ms. Mila Llorin, MHD-OIC Dr. Evangeline Rafanan at opisyal ng mga kalapit na barangay sa lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply