5 barko sinuspinde ng Marina

SINUSPINDE ng Maritime Industry Authority (Marina) ang operasyon ng limang barko na pag-aari ng SRN fast Seacrafts, Inc matapos na magkaaberya ang isa sa kanilang barko na lulan ang may 200 pasahero sa Cebu kamakailan, pagkukumpirma ngayon (Huwebes, Setyembre 15) ni Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Commander Algier Ricafrente.

Sinabi rin ni Ricafrente, ang Coast Guard Station Cebu ay nakatanggap ng kopya ng suspension order mula sa Marina na inisyu ni Marina Administrator Emerson Lorenzo na may petsang Setyembre 12, 2011.

Sinuspinde rin ang Seafarers Identification Record Book (SIRB) ang kompanya gayundin ang Qualification document Certificate (QDC) ang mga opisyal at crewmembers ng MV Weesam-8.

Inabisuhan na rin ng coast guard station Cebu ang mga personnel ng CG Detachment Tinago kaugnay sa suspension order na agad itong ipinatupad upang maiwasan  ang pagpapaalis sa SRN fast Sea Craft vessels, tulad ng MV Weesam Express-3, MV Weesam Express-5, MV Weesam Express-6, MV Weesam Express-7 and MV Weesam Exxpress-8.

Habang suspindido ang nasabing mga barko, magsasagawa naman ng re-inspection at karagdagang International Safety Management (ISM) audit ang Authority MRO-IX at Authority Maritime Safety Office (MSO).

Ang MV Weesam Express-8 ay may 212 lulang pasahero nang magkaaberya sa karagatang sakop ng Lauis Ledge sa Talisay, Cebu dakong alas-6:15 ng gabi nitong nakalipas na Sabado (Setyembre 10).

Agad namang ipinadala ang search and rescue vessel na BRP Davao Del Norte (SARV-3504) ang CGS Cebu sa lugar.

Nailipat ang 113 pasahero sa BRP Davao del Norte habang ang natitira pang pasahero ay inilipat sa ibang bangka na tumulong sa search and rescue operation sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply