5 lalawigan nagpositibo sa red tide

IPINAGBAWAL ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng mga shellfish products tulad ng halaan, tahong at talaba mula sa limang lalawigan sa Pilipinas dahil sa red tide.

Nabatid na matindi pa rin ang red tide toxin sa mga baybayin ng Dumanquillas sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Mansiloc bay sa Zambales at Matarinao Bay sa Eastern Samar base sa inilabas na water sampling ng BFAR.

Ligtas namang kainin ang mga isda, hipon at pusit maging ang alimango mula sa nabanggit na lugar basta’t linisin lamang ito ng mabuti bago kainin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply