.5 milyon nakiisa sa Alay Lakad

TINATAYANG 500,000 ang nakibahagi sa “Alay Lakad Para sa Kabataan” ngayong taon na naging sanhi ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa Metro Manila parikular sa southern area na nagsimula kaninang 5:00 ng madaling-araw, Setyembre 4.

Base kasi sa pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga isinarang daan ang Roxas Boulevard mula Anda Circle patungong President Quirino; P. Burgos mula sa Roxas Boulevard papuntang Lagusnilad east at westbound; T.M. Kalaw mula sa Roxas Boulevard patungong Taft Avenue east at westbound; kasama na ang Ayala Boulevard corner Finance Road.

May temang “Hakbang sa Pagbabago, Alay sa Kabataang Filipino,” ang naturang alay lakad na inorganisa naman ng Alay Lakad Foundation.

Magtatapos naman ang event sa isang programa sa Luneta, Manila.

Itutulong ang mga malilikom para sa pag-aaral ng 50,000 out-of-youth beneficiaries nationwide.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nakilahok sa programa ay ang grupo ng Azkals, Philippine Dragon Boat team at iba pang mga atleta habang nagpadala na lang ng tulong si Pinoy ring icon Manny Pacquiao na hindi nakadalo sa naturang event.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply