5 parak sugatan sa ambush sa Catanduanes

SUGATAN ang limang pulis nang tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mabini, bayan ng Caramoran, Catanduanes kaninang madaling-araw, Setyembre 3.

Nabatid na bandang 2:30 ng madaling araw nang tambangan ang mga pulis na ikinasugat deputy chief of police ng Caramoran Municipal Police Station na si Insp. Rene Bea, PO1 Rene Bayunga, PO1 Edcel Grutas, PO1 Rommel Cardel at PO1 William Bagasbas..

Napag-alaman pang sakay ng patrol car ang naturang mga pulis galing ng Brgy. Milaviga upang iihatid sana sa naturang barangay ang isang biktima ng shooting incident nang bigla na lamang paputukan ng hindi malamang bilang ng mga rebelde.

Agad namang rumesponde ang tropa ng Catanduanes Provincial Police Office habang isinugod sa Dagta West Hospital sa Caramoran ang sugatang mga pulis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply