5 patay sa salpukan ng trak at traysikel

NAGKALASUG-LASOG ang katawan ng limang magkakaibigang nakikipakarerahan sa isa pang traysikel nang sumalpok ang kanilang sinasakyang traysikel sa kasalubong na trak sa Negros Occidental Biyernes ng madaling araw (Setyembre 16).

Dead on the spot sahi ng tinamong matinding pinsala ulo at katawan ang mga biktimang sina Eduardo Ventura, 16, ng Salvacion Barangay 6 Victorias City; Reylin Hornadal, 11; Roldan Inioso, 17, driver ng traysikel; Regie Boy Loto, 15 at Mark Anthony Pasinabong, 13, pawang residente ng Barangay 21, Victorias City.

Sumuko naman agad sa awtoridad ang drayber ng trak na hindi nakuha ang pangalan at ito ay nakatakdang sampahan ng kaulang kaso sa korte.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12:15 ng madaling araw sa isang bisinidad sa kanto ng Bag-ong dalan VMC na tinaguriang killer highway ng Victorias City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang aksidente ay lulan ang mga biktima sa kanilang top down na traysikel at nakikipagkarerahan sa isa pang traysikel.

Sa kasamaang palad, nagkasagian ang traysikel ng mga biktima at ang kanilang kalabang traysikel kaya nawalan umano ng kontrol ang biktimang si Inioso sa manibela.

Hindi naman napansin umano ni Inioso na may kasalubong pala silang isang Isuzu canter truck sa kalsada kaya sa isang iglap ay sumalpok sila sa unahang bahagi nito.

Napag-alamang marami na ang naaaksidente sa naturang killer highway dahil sa pag-uunahan ng mga dumaraang sasakyan partikular ang mga traysikel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply