5,000 parak ikakasa sa transport strike sa Lunes

IPAPAKALAT ang may 5,000 Philippine National Police personnel sa Metro Manila para matiyak ang katahimikan at kaayusan sa ikakasang transport strike ng militant transport groups sa Lunes, Setyembre 19.

Siniguro rin ng PNP Directorate for Logistics na mayroong mga police buses, trucks at troop carriers para tulungan ang mga mananakay na maaapektuhan ng pag-aaklas.

“All Police Regional Offices particularly in Luzon were directed to place their respective Civil Disturbance Management (CDM) contingent on the highest state of operational readiness to respond to any contingency,” pahayag sa isang PNP news release.

Para sa kanilang parte, magkakasa naman ang ilang ahensiya ng gobyerno ng “Oplan Grasshopper,” isang taktikang may koordinasyon para mapaliit ang ayuda ng pag-aaklas sa publiko.

Kabilang sa Oplan Grasshopper ay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation and Communications, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office, PNP Metro Manila office, at Armed Forces of the Philippines.

Partikular na mamatyagan ng Oplan Grasshopper ang mga drayber at operators na mangha-harass ng ibang truper na bibiyahe pa rin. Ang mahuhuling magkakasa ng mga pangha-harass ay sasampahan ng kaukulang kaso.

Kaugnay nito, nauna nang inutusan ni PNP chief Deputy Director General Nicanor Bartolome ang mga local police commanders na magkasa ng dayalogo sa mga transport group leaders.

Inatasan sila ni Bartolome na buksan ang kanilang komunikasyon para maging epektibo ang kanilang koordinasyon ng mga pagkilos ng mga motorcades ar marchers at iba pang aktibidades ng masa.

Sa kanyang parte naman, tiniyak din ni PNP spokesman Chief Superintendent Agrimero Cruz, Jr. sa mga transport strike leaders at organizers ang pag-agapay ng police ground units para masiguro ang katahimikan at kaayusan ng aktibidades ng pag-aaklas at maiwasan ang illegal assembly, obstruction of traffic, street bonfires, unruly behavior at coercion of unsympathetic drivers. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply