5,000 residente sa Tondo puwersahang inilikas

PUWERSAHANG inilikas ang mga residente sa Isla Puting Bato, Baseco Compound sa Tondo, Maynila matapos na lamunin ng tubig dagat ang kanilang mga bahay sa gitna npananalasa ng bagyong “Pedring.”

Nabatid na umaabot na sa 5,000 pamilya ang nagsisiksikan sa evacuation center sa P. Guevarra Elementary School sa Tondo, Maynila na pansamantalang ginamit na masisilungan ng mga inilikas.

Bagama’t marami na ang kusang lumikas sa kani-kanilang mga bahay ay mayroon pa ring mga residente na ayaw umalis sa lugar dahil may mga gamit silang maiiwan sa kanilang mga tahanan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply