582 OFWs sa Syria nais nang umuwi sa Pinas

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ngayon sa embahada ng bansa sa Damascus ang tinatayang 582 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria at nagpahiwatig na nang kahandaang umuwi ng Pilipinas.

Kasabay nito, tiniyak ni DFA Undersecretary Esteban Conejos na  kaya nang saluhin ng gobyerno ang halos $3,000 na kumpensasyon para sa mga employer upang payagan lamang ang mga OFW na makauwi ng Pilipinas bagamat may iba aniyang employer na nagsasamantala sa sitwasyon at naniningil ng mas mataas na immigration penalties sa Syrian Government.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na tumulong para makauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga OFW na na-repatriate mula sa Syria at Libya.

Ayon kay DOTC Sec. Mar Roxas mula sa Beijing China, sa pamamagitan ng Aksyon Center ng DoTC sa tulong na rin ng DSWD at DPWH ay maaaring mapauwi sa kanilang probinsya ang mga OFW na na-repatriate.

Bagamat, wala aniyang pondo ang DOTC ay maghahanap ito ng paraan upang matugunanan ang problema.

Kasabay nito, hinikayat pa rin ni Roxas ang mga OFW na magparehistro sa DOTC Action Center upang sila ay matulungan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply