6 na mangingisda na-rescue ng PNP

ANIM na mangingisda ng bayan ng Villaba, Leyte ang na-rescue ng Philippine National Police Search and Rescue unit sa karagatan malapit sa San Francisco, Southern Leyte.

Ayon kay C/Insp. Adulmajid B. Jaji habang nag-iikot sila sa karagatan ay may napansin silang mga tao na lumulutang-lutang dahil sa nasira ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa bagyong Pedring. Kaagad umano nila itong tinulungan at dinala sa pinakamalapit na dalampasigan.

Ang mga mangingisda ay kinilalang sina Jojet Chasue, 30-anyos ; Alberto Borog, 31; Reynaldo Pangilino, 39; Rogelio Aya-ay, 60; Michael Aya-ay, 33 at Diomedes Dioy pawang mga residente ng Brgy. Abehaw, Villaba, Leyte.

Labis naman nagpapasalamat ang mga mangingisda sa pagkakaligtas sa kanila. Maging ang mga kaanak ng mga ito ay personal na nagpunta para magpasalamat sa nagligtas sa kanilang mga mahal sa buhay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply