6 preso pumuga: 2 nahuli na sa CDO

PATULOY na nagsasagawa ng pursuit operation ang pulisya sa apat pang bilanggo na pumuga sa Misamis Oriental Provincial Jail sa Cagayan de Oro kung saan dalawa pang kasama ng mga ito ang nahuli na kaninang madaling araw, Setyembre 20

Nabatid kay Jail Warden Dominador Tagarda, nakatakas ang mga bilanggong sina Richard Tabora na may kasong carnapping with threats, Jeffrey Jandaya na nahaharap sa kasong robbery with rape, Johnny Bataluna na may kasong murder at Emmanuel Saguinlao na may kaso ring murder at umano’y kasapi ng Sparrow Unit ng rebeldeng New People’s Army sa lalawigan.

Dumaan sa bubungan ng kulangan ang mga preso bandang alas-2:00 kaninang madaling araw dahilan upang hindi agad ito namalayan ng mga jail guard.

Nabatid pa na sugatan ang dalawang presong nahuli makaraang makipaghabulan sa pulisya na nakilalang sina Loreto Monterola na may kasong frustrated homicide at Reneboy Zamoranos na nahaharap naman sa kasong theft.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply