6 sasakyan nagkarambola sa Cavite

ANIM na sasakyan ang nagkarambola at nagdulot ng trapik sa Coastal Road Extension sa Bacoor, Cavite umaga ng Lunes, Setyembre 19.

Ayon kay PO2 Rico Hermoso ng Cavite police, naganap ang karambola makaraang pumutok ang gulong ng isang Asian utility vehicle kung kaya nawalan ng kontrol ang driver at nadamay ang lima pang sasakyan.

“Pumasok siya sa kabilang lane at nagkarambola,” ayon kay Hermoso sa isang panayam sa dzBB.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente na naganap bandang 6:00 a.m.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply