62 bahay naabo sa Davao

TINATAYANG 62 kabahayan ang nasunog matapos makarinig nang pagsabog sa gitna ng pag-aaway ng mag-ama kaninang alas-3:00 ng madaling araw sa Purok 14, Tibungco, Davao City.

Nabatid na 103 na pamilya ang nasunugan at walang naisalbang mga kagamitan mula sa kanilang mga tirahan.

Ayon sa isang biktima ng sunog, nakarinig sila nang malakas na pagsabog sa kanilang lugar matapos magkasagutan ang mag-ama na kanilang kapitbahay kung saan lumiyab ang malaking apoy.

Kaugnay nito, tiniyak ng mag-amang Duterte na mamimigay sila ng P10,000 sa mga biktima ng sunog na homeowners, samantala P5,000 naman sa mga nagrerenta.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply