7-anyos na dinukot pinalaya na sa Cotabato

PINALAYA na ng mga kidnappers ang 7-anyos na babae na kanilang dinukot makaraan ang siyam na oras na pagbihag dito na sana’y papasok na sa kanyang eskuwelahan sa Pikit, North Cotabato noong Lunes, Setyembre 19.

Nabatid sa 6th Infantry Division ng Philippine Army na inabandona na lamang ng mga mandurukot ang ang bata gabi ng Lunes.

“There was no ransom paid. It was purely a coordinated effort of all stakeholders of Pikit,” ayon sa isang pahayag ni Provincial Board Member Dulia Sultan sa isang military statement.

Nabatid na dalawang kidnappers ang dumukot sa bata bandang 12:45 p.m. ng Lunes.

Nag-iwan naman ng sulat ang mga kidnappers na nagsasabing huwag ipaalam sa pulis at militar ang insidente kung hindi’y papatayin ang bata.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply