7-anyos na paslit dinukot sa Cotabato

ISANG pitong-taong-gulang na batang babae ang dinukot ng mga hindi pa nakilalang lalaki sa Pikit, Cotabato ngayong tanghali.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman at chief Supt. Agrimero Cruz, Jr. dinukot ang biktima na si Keshia Jel Navarro sa Ferenal St. sa Barangay Poblacion mag-ala-una ng tanghali.

Nabatid na dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang sapilitang tumangay sa bata.

Patuloy pa ang search and rescue operations ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply