7 arestado sa pagnanakaw ng produktong petrolyo

ARESTADO ang pito katao na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng smuggling ng mga produktong petrolyo sa Limay, Bataan sa pamamagitan ng pagsipsip ng daan-daang libong litro ng langis mula sa mga delivery barges bago ito pumasok ng mga oil depot.

Ayon sa NBI National Capital Region, ang pitong operator ng mga mga bangka na responsable sa pagnanakaw ng mga langis sa gitna ng dagat ay kinilalang sina Raul Crisostomo, Petronilo Cuerda, Ruel Albaracim,Carlito Tano, Normalyn Aquino,Alejandro Filosopo at Isagani Cervantes.

Sa pahayag ng pinuno ng “Operation Black Gold” na si Constantino Joson, ang mga nahuling suspek ay nagsisilbing mga tagapamagitan sa mga taong nasa likod ng mga oil barges at mga tankers na nag-aabang sa baybayin na bibili ng mga ito na pag-aari umano ng mga gasolinahan.

Umamin umano ang mga suspek na tinatawagan sila ng mga kontak sa oil barges kung magpapasipsip ng langis kayat magpapanggap silang mangingisda papalapit sa barges at aakyatin nila ito at sisimulang sipsipin ang langis sa pamamagitan ng mga pump tuluy-tuloy sa tangke sa ilalim ng kanilang mga Bangka kung saan umaabot sa 20,000 litrong langis ang kanilang nakukuha sa isang barge sa gitna ng dagat.

Tinatawagan din ng mga suspek ang mga gasolinahan na bumibili ng mga nakaw na petrolyo kayat mag-aabang na ang mga tanker ng mga ito sa pampang sa pagdating ng mga suspek mula sa dagat.

Sa dami ng mga oil barges, ayon kay Joson, sa isang araw ay milyong litro ng petrolyo ang kanilang nananakaw katunayn umano ay sa isang grupo lamang ay umamin na 60 drum ang kanilang napupuno ng langis sa isang araw na operasyon. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply