7 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

MULING nagiging aktibo ang Taal Volcano kung saan nakapagtala ang state volcanologists nang pitong pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sa kanilang Friday update, inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dalawa sa naitalang pagyanig ay naganap kagabi, Setyembre 22.

“Two of these events which occurred at 6:34 p.m. and 7:30 p.m. (Thursday) were felt at Intensity II by residents in Barangay Calauit in the southeastern part of the Volcano Island,” ayon sa pahayag ng Phivolcs.

Nananatili naman sa Alert Level 1 ang naturang bulkan.

“This means that hazardous eruption is not imminent. The public, however, is reminded that the Main Crater should be strictly off-limits because sudden steam explosions may occur and high concentrations of toxic gases may accumulate,” dagdag pa ng Phivolcs.


About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply