7 taon sa elem., 5 sa haiskul at 1 semestre sa kolehiyo

NAGULAT tayo, Suki, sa kumpirmadong balita na may isang semestre na idinagdag para sa lahat ng nagsimulang mag-aral sa kolehiyo sa taong ito.

Nanlambot tayo sa balitang ito na nagmula sa state universities and colleges.

Paano tayo ‘di manlalambot, eh, sobrang bigat na yata ang pagpapaaral.

oOo

Tingnan ninyo, Suki.

Nagsimula na ang 7 taong elementarya.

Kasabay nito ang 5 taong haiskul.

Dati rati, 6 na taon lang ang elementarya at 4 na taon ang haiskul.

Hindi natin namalayan na 4 en 1/2 na rin pala ang dating 4 na taong kolehiyo.

Kung bibilangin natin bilang magulang ang taong paghihirap natin, nadagdagan ng 2 at wan hap na taon.

Susme, napakatagal na panahon yan na paghihirap ng mga magulang.

oOo

Kalbaryo, kung hindi mang impiyerno ang sistemang ito.

Pahirap nang pahirap na nga ang buhay, pinairal pa ang buwiset na sistema.

Buwiset dahil tiyak na darami ang hindi makatapos ng pag-aaral.

Magpustahan pa tayo.

oOo

Ang sabi ng mga onorabol diyan sa DepEd at Ched, lahat ay para maging de kalidad ang edukasyon.

Anak ng…

Paanong de kalidad ang edukasyon kung higit na nakararami ang hindi makatatapos ng pag-aaral.

Halimbawang oki yan, nasaan ang ayuda ng gobyerno rito, huh?

Ang mabigat kasi rito ay ang araw-araw na gastusin at nagmamahal na mga mga project, field trip, on the job training at iba pa.

Meron bang tulong ang gobyerno rito?

Zero, Suki, walang-wala.

Sa ganitong sistema, saan pupunta ang Pilipinas kong mahal?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply