7 tulay, 13 daan di pa rin madaanan dahil kay ‘Mina’

ISANG linggo matapos na lumabas ng Pilipinas ang bagyong Mina, pitong tulay pa rin at 13 lansangan ang nanatiling hindi nadaraanan ng mga sasakyan bunsod ng mga nangyaring landslide at pagbaha na dulot ng pananalasa ng bagyo.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang naturang mga tulay at lansangan na nanatiling impassable hanggang ngayon ay mula sa Ilocos Norte, La Union,  Cagayan, Isabela, Baguio City, Benguet, Mt. Province at Apayao.

Gayunman, patuloy ang operasyon ng Department of Public Works and Highways para ayusin ang mga imprastrakturang napinsala ng kalamidad.

Nanatili naman sa 33 ang bilang ng mga nasawi, walo ang nawawala at nasa 37 ang nasugatan.

Sa ngayon, umabot na sa P1.45 bilyon ang pinsala ng kalamidad kung saan P1.2 bilyon dito ay mula sa agrikultura habang nasa P234.6 milyon ang nasira sa sektor ng imprastraktura.

Karamihan naman sa mga nagsilikas ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan ngunit may nanatili pa ring 294 na katao ang nasa loob ng tatlong evacuation centers sa lalawigan ng Tarlac at Zambales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply