74 na pasahero ng nasirang passenger cargo nailigtas

NAILIGTAS ngayon (Miyerkules, Setyembre 13) ang 74 na pasahero ng passenger cargo vessel na LCT San Juan Bautista na nasiraan ng hydraulic hose na siyang dahilan para magkaroon ng hydraulic oil leak sa karagatang sakop ng Tangil Wharf, Dumanjug, Cebu.

Ayon kay Coastguard Spokesman Lt. Commander Algier Ricafrente, na agad nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Coast Guard Command Outpost sa mga tauhan ng vessel upang mailigtas ang mga pasahero.

Sinabi ni Ricafrente, sa 74 na sakay ng barko, 60 sa mga ito ang inilipat sa ML Leonor 3 habang ang 11 ay piniling ipabalik ang ticket.

Patungo sana ang naturang vessel na may bigat na 88.15 tonnages sa Basak, Negros Occidental nang maganap ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply