75-anyos na lola tigok sa bagok

PATAY ang isang 75-anyos na lola matapos mabagok ang ulo sa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa Pandacan, Maynila, kagabi (Setyembre 18).

Nakilala ang biktima na si Elvira Santos, residente ng nasabing lugar.

Base sa daily district journal ng Manila Police District (MPD), dakong alas-8:30 kagabi nang magtungo si Janice Balneg, apo ng biktima, sa kanilang CR, at nakitang nakahandusay sa sahig ang biktima.

Pinaniniwalaang nadulas sa sahig ng palikuran ang biktima kaya nabagok.

Agad na isinugod sa De Ocampo Hospital ang biktma subalit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply