7,566 pasahero na-stranded kay ‘Pedring’

UMABOT sa 7,566 mga pasahero ang na-stranded sa ibat-ibang pantalan kahapon (Setyembre 27) dahil sa bagyong “Pedring.”

Ito ay ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Lt. Cmdr. Algier Ricafrente. Ayon pa sa kanya, 34 mga sasakyang dagat at 18 mga bangkang de motor ang nananatiling nakahimpil sa kasagsagan ng bagyo.

Ang karamihan umano ng mga na-stranded ay sa mga pantalan ng Maynila, na may bilang na 4,352 pasahero; Calapan, 1,010 pasahero; Matnog, 318 pasahero; Tabaco, 586 pasahero; Pio Duran, 291 pasahero; at Batangas na may 280 pasahero .

Sa pagbuti ng panahon ngayong umaga ay nakabiyahe na ang mga nabanggit na pasahero. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply