DPWH, DSWD mamimigay ng trabaho

PUMASOK sa isang kasunduan ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng trabaho sa pagmimintini ng mga kalsada.

Ito ay mabibilang sa programa ng DSWD na tinaguriang “Trabahong Lansangan ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino.”

Layon ng programa na makapagbigay ng pagkakataon na makapaghanapbuhay  ang mga mamamayan na “unskilled” o walang pormal na pagsasanay sa anumang  bokasyon.

Inilunsad kahapon, Setyembre 5, sa Baseco Compound Covered Court  sa Tondo ang nabanggit na programa sa pag-empleyo  ng mga trabahador para sa pagmimintini ng mga kalsada tulad ng declogging ng mga kanal, at taga-walis.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ang DSWD ng mga “priority list” ng mga benepisaryo, pag-organisa sa komunidad, at imbentaryo ng mga pagsasanay at pag-uulat sa operasyon ng proyekto.

Magbibigay naman ang DPWH sa DSWD ng listahan ng mga taunang pangangailangan ng ahensya sa mga “skilled” at “unskilled” na trabaho, at 20% ng mga trabaho ay mapupunta sa mga makakasama sa programang Pantawid Pamilyang Pilipino sa buong bansa at masiguro ang nararapat na pasahod sa mga manggagawa. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply