8 huli sa inuman sa kalye sa Caloocan

TIMBOG ang walong kalalakihan matapos madaanan ng mga pulis habang nag-iinuman sa kalye sa Caloocan City Huwebes ng madaling araw (Setyembre 15).

Dinala sa presinto sina Jon-Jon Capili, 31; Andrew Ramos, 22; Kenneth Santos, 20; Mark Arvin Roxas, 18; Aga Faustino, 18; John Mark Ignacio, 17 at tatlong edad 17 na pawang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-una ng madaling araw, nagroronda ang mga pulis sa Talilong St., ng lungsod nang madaanan ang mga nag-iinuman sa kalye.

Dahil may ordinansa ang lungsod na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalsada ay dinakip at dinala sa presinto ang mga nag-iinuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply