8 probinsiya nasa storm signal No. 3 na

LUMALAKAS pa ang hampas ng bagyong Pedring habang patuloy na papalapit sa kalupaan.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling naitala ang sentro ng bagyo sa layong 260 kilometers ng silangan-hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot ng 130 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 160 kph.

Nakataas na ngayon ang public storm signal No. 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Northern Quezon, Polillo Island, Aurora, Quirino at Isabela.

Nasa ilalim naman ng signal No. 2 sa Metro Manila, Albay, Burias Island, Sorsogon, natitirang bahagi ng Quezon, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, Mt. Province, Kalinga at Cagayan.

Signal No. 1 naman sa Ticao Island, Masbate, Marinduque, Batangas, Cavite, Laguna, Bataan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Calayan, Babuyan Group of Islands at Northern Samar.

Bahagya namang bumilis ang pagkilos ng bagyo sa 19 kph habang patuloy na tinatahak ang pangkalahatang direksyon patungong kanluran-hilagang-kanluran.

Inaasahan naman bukas ng umaga ang pagtama ng sentro ng bagyo sa kalupaan ng Casiguran, Aurora, kung kaya mahigpit na pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply