9 na preso pumuga sa piitan sa QC

NAKATAKAS ang siyam na preso sa piitan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5 sa Fairview, Quezon City kaninang madaling-araw (Miyerkules, Setyembre 14).

Sinabi ni Colonel Edgar Pamitan, hepe ng QCPD Station 5, nilagare ng mga ito ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng bilangguan at doon dumaan para makatakas.

Ang mga pumuga ay nakilalang sina Pedro Perez, Richard Santos, Severillo Soriano, Russel Catangay, Richard David, Ernesto Romanasanta, Romulus Bagnate, Joel Gomobot at Alex Francisco.

Lima sa mga nakatakas ang may kasong theft at paglabag sa city ordinance habang ang apat ay nahaharap naman sa kasong may kaugnayan sa droga.

Nagpag-alaman na iisa lamang ang nakabantay sa nasabing presinto kaya nakatas ang mga nabanggit na preso.

Kayugnay nito, bumuo na ng tracking team ang pulisya na tutugis sa mga pugante. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply