9 patay sa magnitude 6.89 lindol sa India

SIYAM katao ang iniulat na namatay nang yanigin ng magnitude 6.89 quake  ang hilagang silangang bahagi ng India malapit sa border ng Nepal.

May mga naitala ring ilang sugatan sa naganap na pagyanig.

Ang ilang miyembro ng parliyamento sa Katmandu, Nepal na nagdedebate tungkol sa national budget ay tumakbo palabas ng assembly hall dahil sa pangambang gumuho ang gusali.

Ayon kay Indian seismology official R.S. Dattatreyan, ang sentro ng lindol ay sa lugar ng Sikkim at nagtala pa ito ng dalawang aftershocks.

Tatlo sa mga namatay ay mula sa Katmandu, Nepal matapos na gumuho ang pader ng British embassy, anim naman ang namatay sa India at 33 ang sugatan matapos gumuho ang dalawang gusali.

Sa unang aftershock ay naitala ito sa 6.1 magnitude habang 5.3 naman ang pangalawa.

Binalaan din ni Dattatreyan, ang mga mamamayan sa posibleng aftershocks pa na mangyayari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply