90% ng drivers nationwide bastos – LTO

INAMIN ni LTO Law Enforcement Director Edgar Cabase na aabot sa 90 percent ng drivers sa buong bansa ay walang modo sa kanilang pagmamaneho.

Aniya, maraming drivers sa ngayon ay walang pakundangan sa mga tumatawid sa kalsada at walang paki sa lansangan kaya marami ang nasasangkot sa mga aksidente sa lansangan na karamihan ay may namamatay na motorista.

Kaugnay nito, binira naman ni Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda ang LTO nang sabihing maraming bilang ng driver ay walang modo.

Hinamon din ni Martin si Cabase na ito ay kanyang patunayan dahil hindi lahat ng driver ay walang modo kundi mas nakakaraming bilang ng mga tsuper ay may moral value.

Sinabi rin ni Martin na ang LTO ang nagkakaloob ng drivers license kaya dapat hindi nabibigyan ng LTO ng lisensiya ang mga walang modong driver.

Una rito, nakarating ang balitang maraming bilang ng drivers ang naiisyuhan ng drivers license dahilan sa nababayaran ang drive test at exam sa pagkuha ng kanilang lisensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply