10 patay, 65 sugatan sa pagsabog sa New Delhi

PATAY ang 10 katao habang sugatan ang 65 dahil matapos na pasabugin ang Delhi High Court Miyerkules ng umaga (Styembre 7) sa New Delhi, India.

Naganap ang pagsabog dakong 10:00 ng umaga sa Gate No. 5 ng naturang gusali kung saan nakapila ang maraming tao para kumuha ng gate pass sa court complex.

Ang grupo ng National Investigation Agency (NIA) officials at forensic experts ay nasa pinagyarihan ng pagsabog upang agapayan ang Delhi Police sa blast probe.

Ayon sa isang abogodo na nakasaksi sa pagsabog, maraming mga tao ang nasugatan at aniya ay nagkagulo dahil nag-panic ang mga ito

Pagkatapos ng insidente ay inilagay ang lugar sa high alert.

Samantala, ang mga nasugatan ay agad na dinala ng mga awtoridad sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply