900 bags ng natural stones nasabat ng BoC

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang 900 bags ng natural stones na natakda sanang i-export sa Oakland, California.

Ayon kay Customs Commisioner Angelito Alvarez, ang exporter na Major Stone International Enterprises ay walang kaukulang Mineral Ore Export Permit (MOEP) mula sa Mines and geo-Sciences Bureau (MGB) ng Department of Envronment and Natural Resources.

Sinabi pa ni Alvarez na ang MGB ay lumitaw na may prima facie evidence of illegal mining laban sa exporters.

Sa imbestigasyon ni A/Major Mariano M. Biteng, Jr., District Commander of the ESS command na nakatalaga sa Manila International Conatainer Port (MICP) at A/Capt. Paul Ditona, ang mga kargamento ay nanggaling sa New York, USA.

Agad na inalerto ang nasabing kargamento base na rin sa derogatory information na ito ay naglalaman din ng mga motorsiklo na ipinagbabawal ding i-import ayon sa batas.

Nahaharap naman ang exporters sa kasong Theft of Minerals, sa ilalim ng DENR Administrative Order no. 96-40, Series ng 1996 o “Philippine Mining Act of 1995” kapag napatunayan na ang mga nakumpiskang bato ay minina o kinuha nang walang awtorisasyon sa ilalim ng kasalukuyang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply