Abogado, 2 pa patay sa pamamaril sa bar

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang abogado ng COA, habang dalawa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa isang bar sa Barangay Holy Spirit, Quezon City kagabi.

Kinilala ni Supt. Ronnie Montejo, hepe ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6 ang mga biktima na sina Atty. Rizal Cimatu, 53, empleyado ng COA legal department, ng 62 Sto.Domingo St., Brgy. Holy Spirit, QC; Edwin Tating, 53, empleyado ng Quezon City Hall at residente ng 988 San Roque St., Brgy. Holy Spirit at Napoleon Aquino, 51, businessman, ng 01 Sta. Catalina St.,Brgy. Holy Spirit, QC.

Habang nasugatan naman matapos madaplisan ng bala sina Samantha Bibon, 17, ng St.Vincent St.,Brgy. Holy Spirit at Esmeraldo Castillo, 53, ng 19 Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Ayon sa ulat ng QCPD Station 6 Batasan, naganap ang insidente ng pamamaril dakong 9:30 kagabi sa Jambinga bar sa Sto. Domingo St., corner San Simon St., Bgy. Holy Spirit.

Nabatid na na masaya umanong nag-iinuman sa nasabing bar ang mga biktimang sina Atty. Cimatu at Tating nang basta na lamang sumulpot sa kanilang mesa ang tatlong suspek na nakasuot  ng itim na jacket, armado ng .45 kalibre ng baril at walang sabi -sabing pinagbabaril nang malapitan ang mga biktima.

Nang matunghayan ng biktimang si Aquino ang pangyayari sa katabing mesa, tinangka nitong bumunot ng baril para tumulong subalit naunahan siyang barilin ng isa sa mga salarin.

Matapos ang pamamaril sa mga biktima, tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang  motorsiklo.

Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply