Abortion nakatago sa RH Bill –Senator Sotto

NANINIWALA si Senate Majority Leader Vicente Sotto III na nakatago sa ilang probisyon ng Reproductive Health Bill (RH) ang legalisasyon ng abortion o paglalaglag ng sanggol sa sinapupunan, kaya mahigit nitong tinututulan ang panukala.

Sinabi ni Sotto na nakatakda sa paragraph “I” at “j” sa ilalim ng Section 3 ng Senate Bill No. 2865 ang  probisyon na baka magkaroon ng maling intepretasyon hinggil sa legalisasyon ng abortion.

Ayon kay Sotto, “Paragraph “i” says that “while this Act does not amend the penal law on abortion, the government shall ensure that all women needing care for post-abortion complications shall be treated and counseled in a humane, non-judgmental and compassionate manner,” while paragraph “j” states that “each family shall have the right to determine its ideal family size provided, however, that the State shall equip each parent with the necessary information on all aspects of family life including RH in order to make that determination.”

Idinagdag ng senador na inilatag niya ang naturang bagay upang maiwasang magsisi ang lahat pagkatapos magdesisyunan ang panukala dahil nakaligtaan natin na sipatin ang ilang mahahalagang detalye na maaaring mabuksan sa maling interpretasyon ng ibang sektor.

Natuklasan sa kanyang interpelasyon kay Sen. Pia Cayetano, natuklasan nitong may isang cause-oriented groups sa bansa na may koneksiyon sa isang international organization na mahigpit na nagsusulong sa buong mundo para sa liberalisasyon at pagbabasura ng lahat ng batas hinggil sa abortion.

Tinukoy ni Sotto ang grupo na Family Planning Organization of the Philippines (FPOP), na pawang miyembro ng International Planned Parenthood Federation (IPPF).

Nauna nang ibinulgar ni Sotto na tumanggap ng mahigit P26 milyong lobby funds ang FPOP mula sa IPPF noong 2010 upang isulong ang pagsasabatas ng RH bill.

Natuklasan naman ni Sotto sa website ng FPOP na may nag-uugnay na link sa isang grupo na tinaguring Women on Wage Organization, isang pandaigdigang organisasyon na lumalaban sa legalisasyon ng abortion sa buong mundo, at mula dito, makikita ang isang link na nagsasabing HELP para sa kababaihan na humihingi ng tulong sa abortion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply