Absentee voting sa OFWs luluwagan na

LULUWAGAN na sa susunod na halalan ang ilang probisyon sa “Absentee Voting Law” upang makumbinsi ang maraming overseas Filipino workers (OFW) na bomoto.

Matapos na hindi makaboto ang karamihan sa mga OFW noong 2004 at 2010 elections ay plano ng luwagan ang pagboto ng mga ito upang mahikayat na lumahok sa eleksyon.

Sa pagdinig na ginawa ng House committee on suffrage and electoral reforms ay sinuportahan ng Korte Suprema at Commission on Elections (Comelec) ang pag-aalis ng isang probisyon sa Absentee Voting Law.

Partikular sa nais na luwagan na probisyon ay ang paglagda sa isang affidavit na nangangakong uuwi ang mga OFW sa Pilipinas matapos ang tatlong taon upang makaboto at kung hindi ay maparurusahan.

Noong 2010 elections, sa may 10 milyong Filipino na nasa iba’t ibang bansa, nasa 300,000 lamang ang nakaboto mula sa humigit 500,000 na nakarehistrong absentee voters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply