Abu Sayyaf sub commander patay sa bakbakan

PATAY ang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) at sangkot sa iba’t ibang kaso ng kidnap for ransom operation nang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Philippine Army kaninang umaga, sa Sitio Tambak, Barangay Landang Laum, Zamboanga City.

Ayon sa natanggap na ulat ni Philippine Army chief Ltgen Arturo Ortiz mula kay Task Force Zamboanga (TFZ) Commander Col. Buenaventura Pascual, naganap ang sagupaan bandang alas-9 ng umaga.

Sa pahayag ni Pascual, nagsasagawa ng security patrols ang operating elements ng 14th Division Reconnaisance Company ng TFZ nang makasagupa ang umaabot sa 15 armadong katao sa pamumuno ni ASG sub leader Imbran.

Ayon pa kay Col. Pascual, tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putukan na ikinamatay ng isang bandido na nakilalang si alyas Korong, habang walang naiulat na casualty sa panig ng mga sundalo.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng militar at PNP Special Action Force sa nasabing lugar

Lumalabas sa follow up operation na ang tunay na pagkakilanlan ng napaslang na ASG ay si sub leader Hassan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply