Abusado at mananapak na konsehal ng Maynila

MAGINOO ang mga konsehal ng Maynila.

Pero mayroong isa rito na hindi maginoo at sob- rang abusado.

Yun bang === nangmamaliit at nananapak ng mga empleyado ng pamahalaan.

At kabilang sa pinaggagawa ni konsehal ang mga dahilan kung bakit hindi umunlad-unlad ang mahal kong Pinas.

KONSEHAL ALCOREZA

Oo, si Konsehal Dennis Alcoreza, ng First District ng Maynila, mga Bro, ang  tinutukoy ko.

Si Luis “Louie” Mesina, cashier ng Intramuros Golf Course sa Maynila, ang minaliit at sinapak ni honora-ble councilman.

KINATAWAN AT ‘DI MANANAPAK

Itong si Konsehal ay inihalal ng taumbayan sa Unang Distrito ng Maynila bilang kanilang kinatawan sa marangal na konseho ng nasabing siyudad.

Pero ano itong pinaggagawa ni Konsehal Alcoreza?

Hindi karangalan ng Maynila kundi kahihiyan ang paggampan nito ng serbisyong bayan.

Hindi ba malaking kahihiyan yang pananapak ni Alcoreza kay Mesina na isang maliit na empleyado ng Philipine Tourism Authority?

ISTORYA NG PANG-AABUSO

Nitong nakaraang Setyembre 6, dakong alas 6:30 ng gabi, nagpunta si konsehal sa golf course.

Siyempre pa, naglaro siya ng nasa isang oras.

Eh nakaubos siya ng tatlong basket na bola na nagkakahalaga ng kabuuang P270.

Nang matapos si Alcoreza na maglaro, ipinaabot ni Mesina sa kanya, sa pamamagitan ng tee girl na si Che-Che na may bayad ang paglalaro.

Nang malaman ni Mesina na konsehal pala si Alcoreza, yung isang basket na lang ang pinabayaran niya.

Nagbigay naman si Konsehal ng P1,000 kay Che-Che para pambayad.

Dahil walang panukli, iniutos ni Mesina sa isang kawani na papalitan ang pera ni Alcoreza.

BAKIT MANAGER KA BA?

Habang gumagawa ng report si Mesina, sumugod si Alcoreza sa
puwesto nito.

Mala-hari itong nagtanong ng, “Bakit manager ka rito?”

Hindi na nakasagot ang pobreng si Mesina dahil kasunod ng tanong ang pananapak sa kanya. Sapol ang kanyang mukha.

Umalis din makaraan ang galit na galit na si konsehal.

Wala nang nagawa si Mesina kundi ang tanggapin na lang ang kanyang kapalaran sa abusadong konsehal ng Tondo, Maynila.

Kasunod nito ang pagpunta niya sa isang pagamutan para sa medical examination sa pananakit sa kanya ng tarantadong konsehal.

Nagkaroon siya ng mga pasa sa mukha sa maling paggamit ng kamao ng isang naghahari-harian na dapat ay isang maginoo na lingkod-bayan.

NAIRITA SA PANININGIL

Ano ang gustong palabasin ng abusadong konsehal na ito?

Yang paniningil ba ng dapat bayaran o obligassyon ni konsehal ay kasalanan?

Kung hindi kasalanan, bakit bigla na lang nagagalit at nananapak ang halal ng bayang ito?

O baka naman may gusto siyang palabasin? Ang kanyang pagkakonsehal ba?

Aba, malaking pang-aabuso yang manapak ka para lang makilala ka ng biktima na isa kang konsehal ng bayan.

KAYA WALANG KAUNLARAN

Ang ganitong hilatsa ng mga nanunungkulan ang dahilan kund bakit hindi tayo umunlad-unlad na bansa.

Sa kahilingan lang na tumupad sa kanilang mga obligasyon ang mga opisyal ay may kasamang pananapak ang tugon ng mga ito.

Ang dapat na ginawa ni Alcoreza ay nagbayad hindi lang ng para sa isang basket kundi sa tatlo.

‘Di ba tatlong basket ang pinalipad niyang bola.

Dapat nagbayad siya ng P270 at hindi lang P90.

LUGI ANG GOBYERNO

Lugi ang gobyerno sa pag-aasikaso ng mga opisyal tulad ni Alcoreza na hindi nakuntentong maglaro hangga’t wala siyang nasasapak na maliit na empleyado ng gobyerno.

Maliit lang na bagay ang sangkot na halaga kung tutuusin. Pero kung ganito nang ganito ang pagtrato sa mga tarantadong opisyal ng gobyerno, yang maliit na halaga kung maiipon ay magiging malaking halaga na rin.

Kung kukulangin ang pampasahod sa mga empleyado dahil binibigyan ng pribilehiyo ang mga katulad ni Alcoreza, saan naman kukuha ang PTA ng pondo para rito?

Mula sa pambansang pamahalaan na ang magpapasan ay lahat ng taumbayan?

KASUHAN SI ALCOREZA

Kung ako si Mesina, dapat kong kasuhan si Alcoreza.

Pupuwede siyang isakdal sa ethics committee ng Manila City Council para mapatawan ng karampatang parusang administratibo.

Hihilingin ko ang ulo nito bilang konsehal.

Pupuwede ko rin siyang sampahan ng kaso sa Ombudsman at kung hindi pupuwede rito ay sa opisina ng may yagbols na si Justice Secretary Leila de Lima.

Kasong kriminal, mga Bro, ang isang kasong pupuwedeng isampal kay Alcoreza. Dapat din itong pagbayarin ng danyos perhuwisyo.

Huwag maliitin nitong si Konsehal ang ginawa nitong pananapak kung sasabihin halimbawa ng doktor na slight physical injury lang ang tinamong mga sugat o bukol ni Mesina.

Alalahanin niyang isa siyang halal ng bayan na dapat marunong gumalang sa mga boss ni PNoy.

Wala nang lugar ang mga Herodes sa pamahalaan ni PNoy, City Councilor Dennis Alcoreza ng Maynila.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply