ACEF di napunta sa kaalyado ni GMA– Arthur Yap

INAMIN ni Congressman Arthur Yap na mabagal ang paniningil sa mga ipinautang ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Agriculture Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) noong siya pa ang kalihim ng ahensya.

Ang pahayag ni Yap ay kasunod ng mga ulat na nagsasabing naubos ang P10-bilyon ACEF noong siya pa ang nakaupong kalihim ng DA.

Gayunman, ani Yap, mayroon naman silang safety nets na ipinatupad noon at nasa DA pa rin naman ang mga post dated check na inisyu ng mga umutang sa ACEF.

Iginiit ni Yap na matagumpay pa ring maituturing ang ACEF dahil maraming magsasaka ang natulungan nitong mapalago ang kanilang
kabuhayan.

Bukod dito, itinanggi ni Yap na mga kaibigan at malalapit sa Arroyo administration ang nakinabang sa bilyon-bilyong pisong pondo.

Tinukoy ng mambabatas ang napaulat na Hi-Las Marketing na pag-aari di umano ng kanyang kaibigan at si Senador Edgardo Angara.

Ayon kay Yap, isang kilala at iginagalang na negosyante ang may-ari ng Hi-Las at dumaan ito sa proseso bago nakakuha ng loan sa ACEF.

Sa panig ni Senador Edgardo Angara, aprubado aniya ng ACEF exe-com ang P300 milyon na napunta sa lalawigan ng Aurora.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply