Adamek tulog kay Klitschko

SA kauna-unahang heavyweight fight ni Tomasz Adamek (44-2, 28 KO) ay natalo siya kay WBC world champion Vitali Klitschko (43-2, 40 KO).

Naitala ito sa pamamagitan ng pag-awat ng reperi sa laban sa tenth round nang pahirapan ng jabs at malulupit na atake ng light heavyweight at cruiserweight champion.

Sinikap sana ni Adamek maiwasan ang mabibigat na sapak ng kalaban ngunit hindi niya kinaya.

Sa second round pa lamang ay malalakas na sapak na ang pinakawalan ni Klitschko na nagpatilapon kay Adamek sa lubid.

Sinenyasan pa ni Vitali ang kalaban na harapin siya nang deretsahan ngunit panay ang iwas ng kalaban na dahilan para matalo ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply