Adamson gaganti sa women’s basketball

NASILAT sa men’s basketball ang Adamson U Falcons sa Far Eastern U Tamaraws kaya naman paniguradong manggigigil na talunin ng una ang huli sa championship game ng UAAP season 74 Women’s Basketball na uumpisahan sa Sabado (Setyembre 24).

Maghaharap sa best-of-three finals ang two-time defending champions Lady Falcons at Lady Tams sa pangatlong pagkakataon na gaganapin sa Samrt Araneta Coliseum.

Unang dumapo ang Falcons sa Finals at sumunod ang Tams matapos nilang ilampaso ang De La Salle University, 66-44, sa do-or-die match kahapon (Setyembre 20) sa Blue Eagle Gym.

Namuwersa si Raiza Palmera ng 17 points, eight assists at six rebounds habang nagdagdag si Allana Lim ng 14 markers at eight boards para sa FEU.

Nakahirit ang No.4 Lady Archers ng rubbermatch noong Biyernes pagkatapos nilang takasan ang top seed Lady Tams, 54-57, na may hawak na twice-to-beat advantage.

Si Inna Corcuera ang nanguna para sa La Salle na sumalansang ng double-double output na 14 points at 10 rebounds habang nag-ambag si Hanna Viterbo ng 10 points.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply