Ex-AFP comptroller Garcia inaresto

INARESTO ng mga kinatawan ng AFP Provost Marshal si dating AFP comptroller Carlos Garcia sa kanyang mismong bahay sa Quezon City kaninang umaga, Setyembre 16.

Kinumpirma ni AFP chief of staff Gen. Eduaro Oban Jr., ang pag-aresto kung saan dinala si Garcia sa Kampo Aquinaldo kaugnay ng paglabag nito sa Articles of War 96 at 97.

Magugunitang si Garcia ay sinampahan din ng kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay na umano’y pangungulimbat nito sa pera ng Sandatahang Lakas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply