AFP ‘wag pag-aksayahan ng pondo — EIA

ITO ang banat ng samahan ng human rights activist na “End Impunity Alliance” (EIA) sa deliberasyon ng Kamara sa 2012 budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa convenor ng alyansa na si Cristina Palabay, dapat mas pagtuunan ng mga mambabatas ang pagpapalaki sa pondo ang edukasyon, health at iba pang social services ng publiko kaysa sa Hukbong Sandatahan na puno ng katiwalian.

Kasabay nito, inihayag ng End Impunity Alliance na maging leksyon na kay PNoy, sa taumbayan at higit sa lahat sa mga mambabatas ang mga nabulgar na iregularidad sa Hukbong Sandatahan dahil sa malaking perang nagamit sa korapsyon ay marapat anila na huwag nang pag-aksyahan ng pondo ang AFP.

Isinibay ang panawagan sa inilabas na utos kahapon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para sa paglabas ng P4.95 billion na gugugulin para i-upgrade ang territorial defense capability ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang ito sa pagbili ng anim na helicopters at isang high-endurance cutter sea vessel, katuwang ng BRP Gregorio del

Pilar na binili sa Estados Unidos kamakailan.

Nabatid na kasalukuyang tinututukan ng pamahalan partikular na ng AFP ang pagpapalakas ng depensa sa Malampaya gas project sa kanlurang bahagi ng Palawan.

Magugunitang nitong nakalipas na Abril,  may P423 million ang inilabas para mabili ang BRP Gregorio del Pilar na dating gamit ng US Coast Guard at idineploy sa bahagi ng Recto (Reed) Bank na isa sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply