After 27 years of marriage, parang newly weds pa rin sina Gary, Angeli

LAST August, nag-celebrate si Gary ng kanyang birthday noong 16th at 26 naman ang misis niyang si Angeli Pangilinan na big boss din ng talent management niya na Manila Genesis Entertainment & Management, Inc. August din ang month ng kanyang anniversary sa showbiz as well his management company. In line with his 28th year sa showbiz, nag-release si Gary ng isang full-length compilation album entitled With Love, Gary Valenciano.

Utang pa raw ang regalo ni Gary para sa misis niya. Pero ‘di raw niya pwedeng banggitin. While Angeli gave him a board game na super like ni Gary. Mahilig daw talaga siya sa board games and he even made one. And after 27 years ng marriage, ‘di pa rin daw sila nagkakasawaan sa isa’t isa.

HIGHLY recommended naming ang bagong compilation album ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano talagang wapak na wapak. Nandu’n lahat ng well-loved film and teleserye theme songs na ginawa niya para sa ABS-CBN at Star Cinema na ang pinakahuli ay ang katatapos lang na teleseryeng “Minsan Lang Kita Iibigin” at ang Where Do I Begin (Love Story) from the movie “In The Name of Love” na siya ring carrier single ng album.

At para lalo pa’ng painitin ang latest album ni Gary na With Love at ang anniversary niya, may TV special siya na ipinalabas kahapon, Sunday, September 4, 10:45 pm sa ABS-CBN’s Sunday Best na pinamagatan ding With Love, Gary Valenciano.

Sandamakmak ang mga guest ni Gary for his TV special kaya hindi na namin sila iisa-isahin. Basta nandun ang mga anak ni Gary V na sina Paolo, Gab at Kiana.

-ooOoo-

ALMOST perfect nga ang tawag ng TV host na si Tintin Bersola sa pagsasama nila ng mister niya at news anchor sa ABS-CBN na si Julius Babao. Never pa raw silang nag-away at ‘di naging isyu ang usaping pera between the two of them lalo na at pareho silang may kanya-kanyang work.

Good provider daw si Julius ayon kay Tintin. Si Julius ang gumagastos sa bahay nila pati sa mga pangangailan ni Tintin at mga anak nila. Ni-reveal nga ni TinTin na multi-million peso ang kinikita ni Julius sa news department ng ABS-CBN. Kaya solong-solo naman ni Tintin ang kanyang sweldo kabilang na ang TF niya sa Smart Steps at tatlo pa niyang ini-endorse na mga produkto. Plus, ang bagong kontrata na pinirmahan niya for three shows sa TV5.

“Pero ako ang nagpapa-sweldo sa P.A. ko. Yaya, kuryente, katulong, siya lahat. Kaya alam mo, ‘yung sweldo ko nagagamit ko ‘yun para tulungan ang mommy ko na may sakit, medicines niya, ‘yung kapatid ko. Kasi ako pa rin naman ‘yung napro-provide. Pati ‘yung nag-aalaga sa mommy ko, ako ‘yan. Okey na okey kay Julius. Walang problema sa kanya at all. Ang bait talaga,” papuri pa ni Tintin kay Julius.

Nabilhan naman daw niya on her own pocket si Julius ng Ipad noon na ang halaga ay P70K pa, painting at ‘yung  camera na gamit ng mister niya.

“Kasi mahilig siya sa painting. Mahal ang mga painting niya. Six figures! Kasi ito ‘yung mga paintings na Elmer Borlongan, mga gawa ng kilalang artists, Ben Cab, ganu’n. ‘Yun kasi ang weakness ni Julius, e. Wala na kaming mapaglagyan sa bahay, sa pader, sa sahig na lang, hehe.”

Nagka-ideya naman si Tintin na bilangin kung magkano ang total ng lahat nang paintings sa bahay nila when we asked her kung more than P20M na ba lahat nang ‘to, here’s her answer.

“Investment talaga. Wala talaga kaming kaproble-problema. Hanap nga tayo ng intriga.”

Worry na lang ni Tintin ngayon sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay pamilya nila ni Julius e, may biglang bawiin naman sa kanila one day. Kaya lagi raw ang dasal niya sa safety and health ng pamilya.

But what about sa sex life nila?

“Wala, lalo na ‘yun,” sabay tawa ni TinTin.

Anyway, kahit wala na sa Backroom si Boy Abunda, ang host ng “The Buzz” pa rin daw ang nag-ayos ng deal niya with Smart Steps at ng kontrata niya with TV5.  Nag-stay pa rin daw siya sa Backroom with the old staff na nakakasama niya before. Itatapat daw ‘yung bagong talk show ni Tintin sa “Kris TV” ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply