Agot Isidro hiwalay na sa asawa

KUMPIRMADO nang hiwalay ang aktres na si Agot Isidro sa kanyang asawa na si Manu Sandejas.

Ang dalawa ay nagsama rin ng sampung taon ngunit hindi sila nagka-anak.

Kinumprima man ng aktres ang hiwalayan nila ng mister ay hindi naman nito idinetalye ang dahilan at sinabing mananatili silang magkaibigan ng dating asawa.

Kasalukuyang nakatira ang aktres sa bahay ng kaniyang mga magulang.

Single man ngayon ay bukas pa rin ang aktres na makahanap ng future partner in life.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply