Airwomen vs Lady Eagles sa last semis slot

MULING maghaharap ang PAF Airwomen at Ateneo Lady Eagles sa isang knockout playoff para sa nalalabing pwesto sa semifinals ng Shakey’s V-League Season 8 Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City alas-4 ng hapon bukas (Huwebes).

Naiporma ang rematch ng palagapakin ng Airwomen ang Lady Eagles sa laro nila kahapon sa loob ng apat na sets sa score na 25-20, 25-19, 20-25, 25-19. Isang career-best na 32 puntos ang idiniliber ni Jennifer Manzano na dinagdagan ni Aiza Maizo ng 21 points.

Magkakasama sa tumpukang 2-3 win-loss slate ang Philipine Navy, Air Force at ang Ateneo dahil sa mataas na quotient sa ilalim ng FIVB ruling ay naisukbit ng Lady Sailors ang third spot. Tatlong sets naman ang kinailangan lang ng San Sebastian Lady Stags sa pagpapatalsik sa Maynila Water Dragons, 25-22, 25-23, 25-20 para sa kanilang 4-1 win-loss record.

Si American import Lauren Ford ay pumalo ng 17 na inalalayan nina Rubie de Leon, Analyn Demito at Jen Bualee na pawang gumawa ng double-digit sa panalo ng Lady Stags.

Ang Army Lady Troopers ang tinanghal na number one team sa six-team quarterfinalists dahil sa kanilang mataas na quotient kasunod ang San Sebastian Lady Stags at ang Navy Lady Sailors.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply