Aiza iritada sa intrigang ‘tesbun’ siya!

HINDI maganda ang naging pagtanggap ni Aiza Seguerra sa isyung buntis siya! Ang nakakaloka pang tsismis, dawit ang pangalan ni Piolo Pascual na diumano’y nag-donate para sa artificial insemination.

“Sanay na tayo sa intriga pero napaka-walang kuwenta lang e,” sey niya sa isang interview.

“Upset because… Yes! I just find it, alam mo yun? Corny, e! “Kaya kung sino man ang nagkalat, parang… nako-corny-han lang ako. Na parang kailan lang lumabas yang isyu na yan tapos eto na naman ulit?

“Na ano, everytime magge-gain ako ng weight, buntis ako? I mean… sana lang huwag paulit-ulit yung ganung tsismis kasi nakakasawa tsaka corny, wala e, corny,” sey pa niya.

But for the record, gusto pa rin ba ni Aiza na magkaroon ng baby para sa kanila ng long-time partner niyang si Chen Sarte?

Klaro!

-0o0-

DINALA namin ang mga pamangkin namin sa 10th anniversary celebration ni Sam Concepcion nu’ng Linggo sa branch ng Jollibee sa The Fort. Dumating si Sam na naka-Peter Pan costume.

Naging masaya ang celebration dahil imbitado ang mga anak at pamangkin ng movie press. Nagkaroon ng palaro at pahabaan ng hininga ng kanyang bagong play na “Peter Pan.”.  May pang-bata at pang-movie press na laro.

Hindi maiwasang itanong kay Sam kung gagayahin ba niya si Enrique Gil na nagpakita ng slight exposure ng buttcrack. Nagkasama kasi sila ni Enrique sa “Good Vibes,” pelikulang “Way back Home” at pareho silang hawak ng STAGES.

Hindi makumprima ni Sam kung kaya niyang gawin ‘yun dahil nag-umpisa talaga ang image niya na wholesome.

“Hindi ko alam. Topless siguro, puwede pa. Pero ‘yung ibababa ko ang underwear ko, hindi ko alam! Ha! Ha! Ha! Si Quen (tawag niya kay Enqique) lang talaga ‘yon,” aniya.

Anyway, sexy naman si Sam sa Peter Pan outfit niya dahil may bukol at labas ang muscle. Magsisimula ito sa September 30 hanggang October 30 sa Meralco Theater. Ready na rin siya sa paglipad.

Ipinagmamalaki ni Sam Concepcion ang Peter Pan ang forthcoming musical play na Peter Pan dahil sobrang pinaghandaan daw talaga nila lahat ang napakalaking produksyon na ito ng Stages and Repertory Philippines.

“It’s a big production, eh, ‘yung cost, the flying, matagal din kaming nag-rehearse, everyday for 3 months. Ngayon po, mago-open na kami in two weeks,” sey niya.

Sa nasabing play ay may mga flying scenes si Sam at say niya, rito raw talaga naubos ang oras nila sa kare-rehearse.

“Lagi naming nire-rehearse, kasi mahirap ‘yun, eh. Kailangan ‘yung coordination ko saka ‘yung mga taong nagha-handle ng flight. ‘Yung flight instructor namin from Vegas na nagdala rin ng flying machine, he trained us muna bago namin gamitin on our own.”

Hindi ba niya in-invite sina Kathryn Bernardo at Julia Montes?

“Nauna na po silang lumipad, eh. Umalis na sila papuntang US, kasi nagtu-tour yata sila for Star Magic,” say ni Sam.

May balitang si Coleen Garcia ang talagang nililigawan ni Sam pero nang itanong ito sa kanya, aniya ay matagal na raw niyang hindi nakikita ang mga kasama niya sa Good Vibes dahil naging super-busy siya sa pagre-rehearse ng Peter Pan.

Friends lang daw sila ni Coleen at sa tanong kung niligawan niya ito, “ako, kasi, steady lang ako, eh.”

Tsuk!

-0o0-

RIOT at super tawanan ang mangyayari sa September 24, Saturday sa Zirkoh, Morato dahil tampok ang SUPER WACKY 8. Tiyak na mag-i-enjoy kina Jose Manalo, Wally Bayola, Tuesday Vargas, Jason Gainza, Ya Chang, Petite, Big Mouth at Boobsie.

Matinding pasabog ng mga jokes ang mapapanood. Masaya ‘to!

Para sa tiket tumawag sa 7100352 at  09215498931.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply