Aktres na nagkamisteryosong sakit, kundi buntis, nagpalaglag?

TIYAK na maraming lalabas na tsismaks now that muli na namang nagtatrabaho ang isang nagkasakit na aktres kailan lang. ‘Yun kasing sinasabing misteryosong sakit niya ay hindi naman ganun ka-misteryoso dahil yung sinasabi niyang mga sintomas ay para siyang naglilihi. One plus one, sasabihing buntis siya, na hindi kataka-taka dahil lagi silang magkadikit ng kanyang guwapong BF. At dahil may kasamang lagnat, iritasyon at kung anik-anik pang sintomas, sasabihin namang naimpeksyon dahil nagpalaglag.

Talagang maski saan siya lumugar wala siyang lulusutan.

At dahil nga pati mga doktor ay nagsasabing misteryoso nga ang sakit niya, na inabot daw ng two weeks pero walang diagnosis. Asus, mapaniwalaan pa nga ba yun? Sa dami ng test sa aktres, hanggang ngayong nagtatrabaho na ulit si aktres, misteryoso pa rin?

Hayyy!

***

Jon Avila, Kean Cipriano natikman na??? Vice Ganda kay Derek Ramsay naman naglalaway

MANINIWALA na sana kaming totoo yung statement ni Vice na type niyang “halahin” si Derek, pero nang masabi na leading man pala niya ito sa isang movie, medyo naging PR ang dating nito.

At sa true, hindi naman lalaking bayaran ni Derek na galing sa isang buena pamilya. O baka naman totoo yung sinasabi ni Vice na talagang inuutugan siya nang matindi kay Derek Ramsay who unfortunatrely ay baka maging ilusyon na lang kay Vice.

Anyway, na-link si Vice kina Kean Cipriano at Jon Avila pero tila hindi malapot ang dating ng mga tsismaks na ito. Pralalang-pralala rin kasi, ang dating dahil mahirap paniwalaang papatol kay Vice ang sinuman sa dalawang nabanggit.

“Ay, bakit naman, kung malaking pera ang involved, mayaman naman si Vice, malay mo, tig-isang milyon ang ibinayad niya kina Jon at Kean, makatatanggi ba sila,” sabi ng ng isang bading na reporter who believes na may pagka-call boy ang mentalidad ng maraming artista natin.

So there!

And speaking of Vice Ganda, bakit kaya tila nawawala sa eksena ang manager niyang si Ogie Diaz. Is it true na ayaw na siyang kilalanin nito at kung nagbibigay man siya ng komisyon kay Ogie, yun ay hanggang doon na lang?

May mga balita kasing kumakalat na halos isuka na ni Vice si Ogie and even goes to the extent na lagi niyang iniinsulto ito kahit sa text. “Mabuti kang kaibigan pero wala kang kuwentang manager,” sabi raw ng isang text ni Vice sa manager.

Bukod dito, marami pang kumakalat na tsismis tungkol sa di na magandang business relationship ni Vice kay Ogie Diaz.

Do we foresee na isa sa mga araw na ito, Vice Ganda will declare his independence from Ogie Diaz?

Sayang naman ang malaking komisyon.

***

Dennis Trillo nagsisisi sa pambabara kay Jennylyn Mercado

KONTRABIDA ang labas ni Dennis nang magsalita siyang tinanggihan niya si Jenneylyn sa isang project.

Ayon sa kanya, instinctive reaction daw yung nagsalita siya dahil nakarating nga sa kanya na tinanggihan siya ni Jennylyn. Sa pagkakaalam daw kasi ni Dennis, wala naman talagang proyektong inoper sa kanila ng dating katipan.

Medyo nagsisisi nga si Dennis sa binitiwan niyang statement dahil mayabang ang naging dating niya.

Kulang na lang talaga ay sabihin niyang minahal naman niya si Jen noong sila pa rin. Ayon sa kanya, mapagmahal daw talaga siyang tao.

Mapagmahal pala siyang boyfriend, pero bakit laging nauuwi sa wala ang pakikipagrelasyon niya?

“A, hindi ko alam,” medyo natawang sabi ng aktor.

“Minsan talaga merong mga pagkakataon na hindi talaga uubra yung mga relasyon.

“Sa umpisa, akala mo okey. Pero siyempre as you go along the way, merong mga pagsubok na mangyayari.

“And sa tingin ko, yung mga pagsubok na yun, yun din ang naging cause ng breakup.

Ganun talaga yung buhay, e. Siguro trial and error hanggang makilala mo talaga yung tamang babae para sa ‘yo.”

Si Jennylyn Mercado ang huling nakarelasyon ni Dennis.

Mula nang maghiwalay ang dalawa ay hindi pa ulit pumapasok sa isang serious relationship si Dennis. Samantalang si Jennylyn naman ay nali-link ngayon sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Hindi kaya na-trauma na siya sa pakikipagrelasyon?

“Na-trauma? Ayoko namang sabihing na-trauma,” sagot ni Dennis.

“Gusto ko lang munang magpahinga dahil parang… medyo hindi rin maganda yung mga nangyari.

“Kaya minabuti kong maging tahimik, maging masaya muna for a while. And i-enjoy ko muna yung oras ko para sa sarili ko.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply