Aktres na pulitiko kabit ni Mayor

ISANG dating sikat na artista ang ngayo’y konsehal sa isang mayamang lungsod. Ang drama ng Konsehala na ito’y magpapabili nang kung anu-anong mamahaling alahas sa kanyang Mayor.

May asawa si Konsehala at may mga anak siya sa dating pulitikong artista na ngayon ay laos na rin.

Pag-aartista ang naging puhunan ni Konsehala kaya siya nagustuhan ni Mayor na babaero. Baka magaling raw sa kama ang matabang Konsehala kaya nagkaroon ng anak si Mayor sa kanya. Nagpabinyag pa nga sina Konsehala at Mayor at ang reception nila ay sa isang sikat na resto bar sa Tomas Morato.

Ayon mismo sa spy natin na waiter, nagulat din siya nang kanyang makita sina Mayor at Konsehala na magkasama sa reception. Kabit pala siya ni Mayor at may isang anak siya rito.

Pero ang hindi alam ng dalawang pulitiko sa isang sikat na lunsod ay botante nila ang spy nating waiter. Kaya ayon, nabulgar tuloy ang kanilang relasyon.

Deadma na lang ang asawa ni Mayor, na isang doktora, sa mga kaelyahan ng kanyang asawa.

Kaya sa 2013 eleksiyon, malamang matalo na ang Mayor na ito na ubod ng yabang. Ang konsehala naman ay tiyak na malalagay siya sa alanganin dahil bulgar na ang relasyon nila sa taong bayan.

***

ARAW-ARAW mapapanood ang Eat Bulaga sa siyete kung saan ang patok na portion nila ay ang Juan For All, All for Juan Sugod-Bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger Biscuit.

Maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakot-takot na pera ang ipinamimigay sa mga kababayan natin. Kitang-kita naman ang tuwa ng mga contestants kapag nananalo sila. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga para tuluy-tuloy ang hatid na saya nito sa mga kababayan natin mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7.

***

NAGING matagumpay ang taping sa Barangay ng Show Up, Ang bagong game show ng bayan noong Setyembre 10 sa Barangay Sta. Cruz Pasig City kung saan katakot-takot na pera ang ipinamigay ng nasabing show. Marami ring natulungan si Jirah, ang best friend ng bayan, kung saan namigay siya ng tulong sa mga taong nangangailangan na umabot sa halos P200,000.00.

Mapapanood n’yo sa Oktubre 8 sa Global Destiny Cable Channel 5 sa ganap 9:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga, Lunes hanggang Sabado. Ang kanilang mga segment ay Boogie, Woogie, cash blessing, Luto ng bayan, Show Up. What you’ve Got and Star of the New Decade. Ang Show Up, ang bagong game show ng bayan, ay hatid sa inyo ng Erase Placenta, Heaven Salon at Thanakha organic slimming & Anti Aging coffee.

Ang mga hosts naman ay sina Miko Aytona, Samantha Page, Jirah, Barbe at Showmaw.

***

Jovit Baldivino, ulam ang unang talent fee

ANG unang talent fee pala ni Jovit Baldivino ng kumakanta siya sa Batangas City ay ulam kung saan–saan kasi siya kumakanta noong araw. Pero ngayon, nakabili na siya ng sariling bahay, lupa at kotse kaya naman nagpapasalamat nang malaki si Jovit sa Panginoon dahil umunlad ang kanyang buhay at sa tulong na rin ng ABS–CBN.

Magkakaroon ng series of concerts ang Erase Placenta simula October 1, 2011 ARTIST: Juris Live @ Santiago City Venue: Antonio Abaya Sports Complex Time: 7:00 p.m., October 28, 2011 ARTIST: Jovit Baldivino & Bugoy Drilon with special guest  Liezel Garcia @ Marikina City Venue: Riverbanks Center Ampitheater Time: 7:00 p.m,October 29, 2011 ARTIST:  Jovit Baldivino & Bugoy Drilon with special guest Liezel Garcia @ Baguio City Venue: Baguio Convention Center Time: 7:00 p.m., November 4, 2011 ARTIST: Jovit Baldivino & Bugoy Drilon with special guest Liezel Garcia  @ Pampanga City Venue: UK Resort & Leisure Park, San Simon, Pampanga Time: 5:00 p.m, November 5, 2011 ARTIST: Jovit Baldivino & Bugoy Drilon with special guest Liezel Garcia @ Batangas City Venue: Batangas States University Time:  7:00 p.m.

For tickets inquiries pls. call 09228754843

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply