Aktres naaaning-aning na dahil sa pag-ibig

‘YUNG isang aktres medyo nakabawi-bawi na ngayon sa matinding depresyon sa pag-ibig. Nakita namin siya lately na maayos ng manamit. Okey na rin ang kanyang performance sa show bilang isa sa hosts ng isang once-a-week program. Sana magtuloy-tuloy na itong recovery n’ya. Nagparamdam na ba ng pagmamahal at nagbigay na ba ng oras sa kanya ang kanyang boyfriend?

Anyway, may isa pang naaning-aning na aktres na sa kasalukuyan e, pinakikiramdaman parati ng kanyang mga kasamahan. Any moment daw baka maging lokasta ito. Kasi nga, kapag pumapasok ito sa kanilang show kung di naka-short at T-shirt lang, naka-kamiseta at naka-pekpek shorts ito, sabog-sabog pa ang buhok. Wala siyang pakialam sa show. Feeling niya ay magsu-show lang siya sa karnabal.
Nakalilimutan yata nitong humaharap siya on national and international television.

Marami rin itong pinupuna sa mga kasamahan sa trabaho. Lahat nakikita nito. Maging ang simpleng pagsita sa kanyang alalay ay ikinagagalit nito. Talak nang talak ito pero hindi naman nila nalalaman kung ano ang ikinagagalit nito.

Dalawang puntos ang nakikita ng mga kasama niya kung bakit ito nawawala sa ayos, una, dahil sa ang boyfriend nito ay pasimple pa ring nambababae umano gayong hindi pa nito maayos-ayos ang dati niyang karelasyon. Pangalawa, hindi na ito masaya sa kanyang trabaho.

Sana naman kasi maghanap siyang mapaglilibangang ibang bagay, huwag siyang laging nakatutok sa kanyang papa na pumapapak naman ng iba. Ang problema, pag nawala sa kanyang piling ang BF niyang balbonic ay baka matanggalan siya ng turnilyo sa ulo. Huwag naman.

At kung hindi naman masaya na sa work, puwedeng-puwede namang lumipat sa iba. Di ba?

***

Tambak na raw ng commercials ang mini series ni Ate Guy

MASYADO namang trying hard ang mga pralala ni Nora Aunor. Hindi pa nga naipalalabas ang mini-serye nito tambak na raw ang pumapasok na commercials. Baka naman mga negosyo ni Mr. Manny Pangilinan itong sinasabi nilang komersyal, hindi kaya?

Kung sandamakmak na ang ad placements nito bakit limang episodes (kasama ang pilot plus 4 episodes) ang “no commercial breaks”? Baka naman “no commercial load”? kaya magpapalugi raw sila. Hahaha!

Negosyante kayo noh! Imposible namang magpalugi kayo ng ganon na lamang samantalang ang mahal ng talent fee na ibinayad ninyo kay La Aunor.

Magpakatotoo kayo. Wala nang libre ngayon.

Ang nakatatakot pa nito, kapag nagpalugi nga talaga sila kay Baluga sa mini-series nitong “Sa Ngalan ng Ina,” baka sa ngalan ng sampung diablo ay tumaas pa ng todo ang singil ng kuryente at tubig? Giatay! Wag naman po.

Ang dami ng naluluging show sa TV5 huh! Sana huwag nang madagdagan.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply