Albay walang pasok dahil kay ‘Pedring’

SUSPENDIDO na ngayon ang klase sa lahat ng antas sa Albay dahil sa nagbabantang pananalasa ng bagyong “Pedring” sa naturang lalawigan.

Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, ang pagsuspinde sa klase ay kaugnay  ng pagtataas sa storm signal no. 1 sa Catanduanes, Camarines Sur at Albay na sinasabing tutumbukin ng bagyo.

Ipinag-utos din ni Salceda ang “no sailing policy” at “no crossing of rivers” sa Albay dahil sa posibilidad na pagtaas ng tubig at paglakas ng alon sa karagatan.

Nakaalerto na rin ang mga residente sa Polangui, Malinao, Oas at Libon na madalas bahain at makaranas ng pagguho ng lupa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply